Home METRO Pagsasara ng College of Law ng Mindanao State University hinarang ng SC

Pagsasara ng College of Law ng Mindanao State University hinarang ng SC

MANILA, Philippines- Naglabas ang Korte Suprema ng temporary restraining order na pumipigil sa Legal Education Board sa pagpapatupad ng mga resolusyon na nagpapasara sa College of Law ng Mindanao State University (MSU).

Sa resolusyon ng SC En banc, sakop ng TRO ang:

  • pagbabawal sa Mindanao State University (MSU) College of Law na buksan ang mga programang batas nito sa mga kampus sa Tawi-Tawi, Sulu, at Maguindanao, at

  • pagbawi sa akreditasyon ng MSU College of Law at nagpapasara sa kolehiyo epektibo sa Academic Year 2025-2026.

Ang TRO ay inilabas bilang tugon sa magkahiwalay na petisyon para sa certiorari na inihain ng MSU at ni Abdul Rahman Ltiph Nasser. Kinuwestiyon din ng mga petitioner ang awtoridad ng LEB sa MSU College of Law sa ilalim ng Republic Act No. 7662, o ang Legal Education Reform Act of 1993. 

Ang LEB at ang MSU ay inatasan ng Korte na maghain ng kani-kanilang memorandum of authority sa epekto ng Article IX, Sec. 16 ng Bangsamoro Organic Law sa hurisdiksyon ng LEB sa MSU sa loob ng 15 araw. Teresa Tavares