Home NATIONWIDE Mas marami pang pagpupulong itinakda para sa PH-US tariff negotiations – DTI

Mas marami pang pagpupulong itinakda para sa PH-US tariff negotiations – DTI

MANILA, Philippines- Sinabi ng Department of Trade and Industry (DTI) na may mga serye pa na susunod na pagpupulong matapos ang miting ng Philippine trade at mga economic official kasama ang Tanggapan ng United States Trade Representative (USTR) sa Washington, D.C. nito lamang unang bahagi ng buwan para sa isang trade dialogue na may kinalaman sa planong 17% tariff na ipapataw sa mga produkto ng bansa na pumapasok sa Estados Unidos.

Gayunman, tumanggi si Trade Secretary Ma. Cristina Roque na ibunyag ang detalye sa paglagda ng mga opisyal ng Pilipinas ng isang non-disclosure agreement kasama ang USTR.

Nito lamang May 2, nagpulong sina Economic Affairs adviser Frederick Go at Philippine Ambassador to the United States Jose Manuel Romualdez si United States Trade Representative Jamieson Greer sa Washington DC at pinag-usapan ang “mutually beneficial ways to strengthen the bilateral relations” sa gitna ng 17% tariff rate na ipinataw ng Estados Unidos sa Pilipinas.

Sa isang panayam, sinabi ni Roque na “there’s no schedule yet” sa follow-on meetings kasama ang mga opisyal ng Estados Unidos.

At nang tanungin kung ang pagpupulong ay gagawin sa loob ng 90-day pause ng tariff policy ni US President Donald Trump, sinabi ni Roque na: “The control is not on us, it’s on the side of the US.”

Gayunman, sinabi ni Roque na ang panig ng Pilipinas “were able to tackle all industries, we were able to represent the wants and asks of different industries.”

“Everything that we wanted to talk about was discussed in the meeting… In fact, they said we were very comprehensive… We tackled all industries that we want to tackle,” ang pahayag ni Roque.

Matatandaang inanunsyo ni US President Donald Trump ang kaniyang reciprocal tariffs.

Bagama’t hindi na nito idinetalye ang nasabing bagong taripa ay sinabi niya na magiging epektibo ito sa buwan ng Abril.

Ilan sa mga binanggit lamang ni Trump ay ang magbabalik na sa US ang mga pagawaan ng gamot at microchip.

Ang car tariffs aniya ay makakatulong sa industriya ng sasakyan sa kanilang bansa.

Sa kabilang dako, makikita sa data mula sa USTR na ang US goods trade deficit sa Pilipinas ay pumalo sa $4.9 billion noong 2024, tumaas ng 21.8% mula 2023.

Ang kabuuang goods trade ng Estados Unidos kasama ang Pilipinas nagkakahalaga ng $23.5 billion noong 2024, na may US goods exports sa Pilipinas na nagkakahalaga ng $9.3 billion, tumaas ng 0.4%, habang ang goods imports ay may kabuuang $14.2 billion.

“The US is the Philippines’ top destination for its goods in 2024 at $58.7 billion, accounting for a lion’s share or 80.2% of the top 10 nations where it exports, ” ayon sa data mula sa Philippine Statistics Authority (PSA). Kris Jose