Home NATIONWIDE Pagsira ng lambat ng Chinese fishermen ‘di totoo – AFP

Pagsira ng lambat ng Chinese fishermen ‘di totoo – AFP

MANILA, Philippines– Pinabulaanan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang akusasyon ng China na ang mga tropang Pilipino sa West Philippine Sea (WPS) ay winasak at inagaw ang mga lambat ng mga mangingisdang Tsino at sinabing ito ay bahagi lamang ng “malign influence” tactic.

“This latest accusation is yet another example of China’s malign influence operation, which seeks to distract from the real issue at hand: their ongoing illegal, coercive, aggressive, and deceptive actions and activities in the West Philippine Sea,” ani AFP spokesperson Col. Francel Margareth Padilla sa mensahe sa reporter.

“We will not dignify these claims with a detailed response. It is important to reiterate that the presence of Chinese vessels within the Philippine Exclusive Economic Zone (EEZ) is illegal and provocative. The Philippines has sovereign rights over these waters, as recognized under international law, specifically the United Nations Convention on the Law of the Sea,” dagdag pa ni Padilla.

Iniulat ng state news agency ng China na Xinhua na ang mga tropa ng Philippine Navy mula sa BRP Sierra Madre (LS-57) sa Ayungin Shoal ay sinisira at pinuputol ang mga lambat ng mga mangingisdang Tsino sa katabing tubig. RNT