Home HOME BANNER STORY Pagsira sa mga illegal na droga personal na sinaksihan ni PBBM sa...

Pagsira sa mga illegal na droga personal na sinaksihan ni PBBM sa Tarlac

322
0

MANILA, Philippines – PERSONAL na sinaksihan ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. ang pagsira sa P9,484,134,038.62 halaga ng ipinagbabawal na gamot sa Clean Leaf International Corporation sa lalawigan ng Tarlac.

Kasama ng Pangulo si Interior Secretary Jonvic Remulla.

Sa naging pahayag ng Pangulo, sinabi nito na pumunta siya sa lalawigan ng Tarlac upang makita kung ano ba talaga ang buong sistema mula sa pagkahuli ng mga droga, pagte-testing hanggang sa huli ay pagsira sa mga nahuling ilegal na droga.

“Kaya’t dahil kailangan tiyakin natin na yung mga nahuhuling drugs ay talagang sinisira at wala ng pag-asa na bumalik pa sa na maibenta pa, na makuha, ibang irereport at i-alam naman natin kung ano yung mga ibang, yung mga ibang pangyayari na nakikita natin,” ang sinabi ng Pangulo.

“Kaya’t that’s why I’m here today just to see how the system works para very very solid yung system natin from the capture and of the illegal drugs all the way until the destruction of the illegal drugs also,” aniya pa rin.

“So ito pala, ngayon ko lang nakita ito so I was very interested to see. This will be the chamber temperature will be raised to 700, 700 degrees Celsius which is hot enough to destroy all of the active elements within the drugs. So after nainit na 700, 700 degrees Celsius hindi na, it will not be shabu anymore., it will not be marijuana anymore, it will not be any drug anymore.

Hindi na talaga pwe, sirang-sira na ito. So that’s what that’s what we are here to to to witness,” dagdag na pahayag pa rin ng Pangulo.

“At this point matagal pa ito. Iinit pa ito for another 10 hours no? 10 hours. Tapos mag-aantay tayo ng 12 hours bago palalamigin ulit para makita kung nauubos na talaga yung ating sinunog. Kapag may nakita na may traces pa ay babalik nila, uulitin na lang nila para talagang sirang-sira,” ayon sa Pangulo sabay sabing “Pero palagay ko with 700 degrees with that long period of time, 10 hours na niluluto, eh palagay ko makikita natin na sira na talaga yan. And that’s why we are here today.”

Sa kabilang dako, ikinatuwa naman ng Pangulo na may mga miyembro ng media ang kasama niyang sasaksi sa sistemang gagawin sa ilegal na droga.

“I’m also happy that I was able to get the opportunity na makapunta rito para makita ko rin ang ang buong sistema from the capture all the way until its destruction,” ang pahayag pa rin ng Chief Executive.

Samantala, kabilang sa mga ilegal na droga na sinira ay ang 1,304.604 kilogramo ng lumutang na pakete ng shabu, na tinatayang nagkakahalaga ng P8,871,307,200.00.

Ang ‘floating shabu’ ay na-recover ng mga lokal na mangingisda sa baybaying-dagat ng Zambales, Pangasinan, Ilocos Norte, Ilocos Sur at Cagayan. Kris Jose

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here