Home NATIONWIDE Pagsisikap ng Pinas vs POGO issues suportado ng Tsina – embahada

Pagsisikap ng Pinas vs POGO issues suportado ng Tsina – embahada

MANILA, Philippines- Iginiit ng Chinese Embassy sa Manila nitong Huwebes na sinusuportahan nito ang pagsisikap ng Pilipinas sa pagtugon sa mga isyung may kaugnayan sa offshore gaming operations.

Kasunod ang pahayag ng pagkakaaresto sa ilang Chinese nationals dahil sa posesyon ng high-powered firearms at tangkang panunuhol, na kalaunan ay iniugnay sa Philippine Offshore Gaming Operators (POGO).

“The Chinese Embassy stays in communication with the Philippine law enforcement agencies on offenses related to POGO, and supports the Philippine side in addressing the root causes of the problem arising from the offshore gambling industry,” anito.

Base sa embahada, ilegal sa China ang anumang uri ng sugal at hindi umano nito kinukunsinti ang Chinese nationals na nasasangkot sa ganitong uri ng aktibidad sa ibang bansa.

Inulit din ng Chinese government na patuloy ang paalala nito sa mga Chinese sa ibang bansa na tumalima sa mga lokal na batas at regulasyon.

“Gambling is a social menace. Chinese people are victims of offshore gambling,” pahayag ng embahada.

Nasabat ng mga awtoridad ang high-powered firearms, ammunition, at iba pang kontrabando mula sa isang Chinese national na kinilala bilang si Haiqiang Su sa Barangay Bambang, Taguig City noong Abril 14.

Dalawa pang Chinese nationals na namataan sa bahay ang isinailalim sa kustodiya matapos ang beripikasyon.

Gayundin, isa pang Chinese national ang naaresto dahil sa tangkang panunuhol para mapalaya ang mga naunang naaresto. RNT/SA