Home NATIONWIDE Pagsubaybay sa farmgate prices ng sibuyas pinaigting ng DA

Pagsubaybay sa farmgate prices ng sibuyas pinaigting ng DA

231
0
AABOT sa P10 milyon halaga ng mga frozen meats at sibuyas na galing sa China ang sinalakay ng National Bureau of Investigation sa isang bodega sa Quirino Ext. Paco, Manila. CRISMON HERAMIS

MANILA, Philippines – SINABI ng Department of Agriculture (DA) na pinaigting nito ang pagsubaybay sa farmgate prices ng sibuyas upang matiyak na makatwiran ang presyo nito.

Sinabi ni DA-Mimaropa Regional Executive Director Christopher Bañas na nagsisimula na ang market interventions upang pahupain ang epekto ng posibleng pagbabago sa ‘buying prices’ ng sibuyas sa Occidental Mindoro kasunod ng kautusan ni DA Secretary Francisco Tiu Laurel Jr.

“While price movements depend on prevailing market conditions, we would like to assure them that we continue to take action to provide the necessary support,” ayon kay Bañas.

Bagaman hindi maaaring magpataw ang DA ng price ceiling para sa farmgate at retail prices ng sibuyas, kinikilala naman ng ahensiya ang alalahanin ng mga magsasaka ukol sa posibleng pagbagsak dahil sa peak harvest season.

“At present, our agency does not have a direct mandate to set prices. However, within the scope of our authority and responsibilities, we are doing everything we can to extend assistance and implement interventions that will help ease their situation,” ang tinuran ni Bañas.

Kabilang naman sa interbensyon ay ang pamamahagi ng production inputs gaya ng quality seeds, fertilizers at iba pang farm support.

“Cold storage facilities are also strengthened to extend the shelf life of harvested onions and prevent unreasonable farmgate price ahead of spoilage,” ani Bañas.

Siniguro rin ng ahensiya ang direct market linkage sa pagitan ng mga magsasaka at institutional buyers para makapagbigay ng matatag na market access, at maging ang probisyon ng technical assistance salokal na magsasaka para sa ‘onion production at marketing.’

Ang updates sa import policies at umiiral na presyo ng sibuyas ay ibibigay din sa pamamagitan ng patuloy na information campaigns para protektahan ang mga lokal na magsasaka mula sa ‘unscrupulous traders.’

Samantala, ang farmgate prices ng red onions ay kasalukuyang nasa P30 hanggang P45 kada kilo sa limang munisipalidad sa Occidental Mindoro. KRIS JOSE

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here