Home NATIONWIDE Pagtaas ng presyo ng bilihin itinuturing ng 7 sa 10 Pinoy bilang...

Pagtaas ng presyo ng bilihin itinuturing ng 7 sa 10 Pinoy bilang top national concern – sarbey

276
0

MANILA, Philippines- Sa pag-arangkada ng eleksyon ngayong Lunes, lumabas sa isang survey na pito sa 10 Pilipino ang naniniwalang dapat tugunan agad ng mga mahahalal na opisyal at mga nasa kasalukuyang posisyon ang tumataas na presyo ng bilihin.

Ayon sa ulat, lumabas sa Pulse Asia survey na ang pagtaas ng presyo ng bilihin ay ang top national concern ng respondents, nakakuha ng 69%.

Samantala, 36% ang nagsabing dapat gawing prayoridad ang pagtataas ng sahod ng mga manggagawa, sinundan ng “fighting graft and corruption (28%), combating criminality (28%), and reducing poverty (27%).”

Isinagawa ang survey sa sample na 2,400 Filipinos noong March 23 hanggang 29, pinili sa pamamagitan ng multistage probability sampling. RNT/SA

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here