Home NATIONWIDE Botohan naantala sa ilang polling precincts ngayong Eleksyon 2025

Botohan naantala sa ilang polling precincts ngayong Eleksyon 2025

MANILA, Philippines- Naiulat ng Philippine National Police (PNP) nitong Lunes ang pagkaantala sa ilang polling centers para sa Eleksyon 2025.

Ayon kay PNP spokesperson Police Brigadier General Jean Fajardo, 34,494 o 91.92% lamang ng polling centers ang nakapagsasagawa ng botohan sa pagsisimula ng regular voting hours.

Ang pagkaantala sa ilang polling centers ay dahil sa technical glitches at power interruptions, base kay Fajardo. 

Naiulat ang mga pagkaantalang ito sa Central Luzon, Northern Mindanao, Cordillera Administrative Region, Davao Region, at Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao.

Ang early voting hours para sa senior citizens, persons with disabilities, at mga buntis ay 5 a.m. hanggang 7 a.m., base sa Commission on Elections (Comelec).

Samantala, ang regular voting hours ay kasado mula 7 a.m. hanggang 7 p.m. RNT/SA