Home NATIONWIDE Pagtakbo ni VP Sara sa 2028, ‘di makaaapekto sa nakabinbing reklamo sa...

Pagtakbo ni VP Sara sa 2028, ‘di makaaapekto sa nakabinbing reklamo sa DOJ

147
0

MANILA, Philippines – Kasalukuyang nasa ilalim ng pagsusuri ang mga reklamo laban kay Vice President Sara Duterte sinabi ng Department of Justice noong Biyernes.

May kaugnayan ang reklamo sa pahayag ni VP Sara tungkol sa umano’y pagkuha ng isang asosasyon upang patayin si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., at iba pa sakaling siya ay mamatay.

“Ito ay nasa ilalim ng review, ibig sabihin may resolusyon na pero nakabinbin pa ang pagsusuri ng (prosecution) division head,” ayon kay DOJ spokesperson Atty. Polo Martinez sa isang press briefing.

Samantala sinabi rin ni Martinez na hindi makakaapekto sa pagsusuri ng mga prosecutor sa nakabinbing kaso laban sa kanya ang kamakailan anunsyo ni VP sara sa pagtakbo sa 2028 sa pagkapangulo.

Nahaharap si VP Sara sa mga reklamong inciting to sedition at grave threats dahil sa kanyang naging pahayag laban sa Pangulo, sa Unang Ginang Liza Araneta Marcos at dating Speaker Martin Romualdez kung magtagumpay ang umano’y balak laban sa kanya.

Sinabi ni Duterte na ang kanyang mga pahayag ay na-misinterpret at inilabas sa maling konteksto. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here