Home NATIONWIDE Pagtakbo sa nat’l election, pinabulaanan ni DOT Sec. Frasco: “I am simply...

Pagtakbo sa nat’l election, pinabulaanan ni DOT Sec. Frasco: “I am simply working, nothing else”

203
0

MANILA, Philippines – Iginiit ni DOT Secretary Cristina Garcia Frasco na hindi siya tatakbo sa national elections kaya walang dahilan para ipromote ang kanyang sarili.

Ito ang sinabi ng kalihim sa kanyang pagdalo sa Kapihan sa Manila Bay forum kung saan nilinaw ang akusasyon laban sa kanya kaugnay sa mga lumabas na Japanese magazine na tampok ang kanyang mukha o larawan.

Ayon kay Frasco, naging akusasyon sa kanya ang pagiging ‘visible’ nito para lang ipakilala ang kanyang sarili pero giit niya, naging visible o parati lamang siyang nakikita dahil siya ay talagang nagtatrabaho at wala nang iba pa.

“I am very visible because I am simply working, nothing else,” ani Frasco.

“The accusations of self promotion is false plot in that face of the fact that I’m not running. There is no reason to promote myself because I’m not running for any national position,” dagdag pa ng kalihim ng turismo.

Gayunman, sinabi ng kalihim na naglabas na siya ng kautusan sa kanilang mga regional offices maging sa mga LGUs na huwag gamitin o tanggalin ang anomang materyal na nagtatampok ng kanyang imahe.

Wala rin aniyang ‘consent’ mula sa kanya nang gamitin ang kanyang imahe sa isang magazine. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here