Home NATIONWIDE Pagtapyas sa taripa ‘wa epek’ sa pagpapababa ng presyo ng bigas –...

Pagtapyas sa taripa ‘wa epek’ sa pagpapababa ng presyo ng bigas – solon

MANILA, Philippines- Binanggit ng isang mambabatas na hindi napababa ng polisiya ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na pagtapyas sa taripa sa imported na bigas ang presyo nito at nagdulot din umano ng pagkalugi.

Sinabi ni Marikina Rep. Stella Quimbo sa House joint committee nitong Martes na hindi nakamit ng  Executive Order No. 62 ni Marcos na nag-aatas ng rice levy reduction mula 35 porsyento sa 15 porsyento—na umiral noong Hulyo—ang ninanais nitong epekto na pagpapababa ng market prices nito.

Ayon sa Department of Agriculture (DA), mararamdaman ang price reduction simula Oktubre.

Subalit, ayon kay Quimbo, bumaba lamang ang average quarter local rice prices mula P51.12 sa P50.68 sa sumunod na quarter matapos paitalin ang EO ni Marcos.

Malayo ito sa projected price drop ng DA, binanggit ang economic managers na sinabing magreresulta ito sa P5 hanggang P7 na kabawasan.

Gayundin, nagresulta umano ang tariff cut sa pagbaba ng government revenue, batay kay Vincent Philip Maronilla, assistant commissioner ng Bureau of Customs.

Bilang tugon sa tanong ni Quimbo kung magkano ang nalugi sa kita ng gobyerno, sinabi ni Maronilla: “Per the records of Bureau of Customs, the foregone revenue is about P12 billion from the time the law was implemented.”

Bukod dito umakyat din ang volume ng imports, subalit hindi pa matukoy ni Maronilla ang eksaktong datos.

“There is more incentive to import,” wika ni Maronilla.

“In short,” ani Quimbo, “it really doesn’t make sense, right?”

Aniya pa: “Bakit hindi masyadong malaki ang effect on the [price] levels?” RNT/SA