Home METRO Pagtatalaga kay Macacua bilang BARMM chief minister tablado sa MILF

Pagtatalaga kay Macacua bilang BARMM chief minister tablado sa MILF

DAVAO CITY- Tinabla ng Moro Islamic Liberation Front nitong Linggo ang appointment ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. kay Maguindanao del Norte Gov. Abdulraof Macacua bilang bagong interim Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao chief minister.

Sinabi ng MILF na labag umano ito sa Bangsamoro Organic Law at Comprehensive Agreement on the Bangsamoro.

Inihayag din ng MILF ang pagkabahala sa appointment ng 35 lamang mula sa 41 inendorsong pangalan sa Bangsamoro Transition Authority (BTA).

Kasunod ang pagtanggi sa appointment ni Macacua ng pangangasiwa niya sa panunumpa ng newly appointed members ng BTA parliament noong Sabado.

“The oath you take today symbolizes more than a mere affirmation of duties; it signifies your unwavering dedication to uphold the aspirations and rights of the Bangsamoro people,” ani Macacua.

Ang parliament, sa ilalim ng Republic Act No. 11054 o ang Bangsamoro Organic Law (BOL), ang dapat maging interim government sa BARMM sa transition period.

Ang kanilang termino ay hanggang October 2025 kapag natapos na ang transition period kasunod ng BARMM parliamentary elections.

Hindi pa naglalabas ng pahayag si Macacua, humalili kay interim chief minister at MILF Chairman Ahod Ebrahim noong nakaraang linggo, ukol dito. RNT/SA