TAGKAWAYAN, Quezon- Nahuli ng mga pulis ang isang criminal gang leader sa Barangay Munting Parang, sa bayang ito nitong Sabado nitong hapon.
Kinilala ang suspek na si Jiel.
Si Jiel ang pinuno ng Beraña Criminal Gang at ang No. 1 most wanted person sa regional level sa Cavite, Laguna, Batangas, Rizal, at Quezon region o Region 4-A.
Naaresto siya sa bisa ng arrest warrant para sa murder na ipinalabas ni Judge Jeshiree Doletason Espinosa-Dionisio ng Calauag, Quezon Regional Trial Court Branch 63 na may petsang Sept. 6, 2024. Inirekomenda ni Dionisio ang no bail para sa kaso.
Nahaharap din si Jiel sa arrest warrants para sa homicide na may inirekomendang piyansang P120,000 na inisyu rin ni Dionisio na may petsang May 13, 2024 at paglabag sa Republic Act 10591 o ang Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act.
Kasalukuyang nasa kustodiya ng Tagkawayan police ang suspek. RNT/SA