Home NATIONWIDE Pagtatanggol sa WPS, suportado ng 76% Pinoy – sarbey

Pagtatanggol sa WPS, suportado ng 76% Pinoy – sarbey

32
0

MANILA, Philippines – Ayon sa OCTA Research survey, nasa 76% ng mga adult Filipinos ang nagsabing handa silang suportahan ang gobyerno sa pagtatanggol ng teritoryo at soberanong karapatan ng Pilipinas, kabilang ang West Philippine Sea (WPS).

Sa parehong survey, 7% lamang ang hindi sumang-ayon sa pahayag na:
“I love my country, and I am committed to support the government in defending its territory and asserting sovereign rights, including over the West Philippine Sea.”

Pinakamataas ang suporta sa National Capital Region (83%) at Balance Luzon (77%), habang pinakamababa sa Visayas (68%) at Mindanao (75%).

Sa regional breakdown, MIMAROPA ang may pinakamataas na suporta na 93%, kasunod ang Caraga (91%) at Western Visayas (90%). Pinakamababa naman ang Central Visayas na may 45% agreement.

Ayon sa OCTA, “The survey’s most critical outlier is DavRegion, where disagreement reaches 34%, five times the national average.”

Sa edad, ang mga 35–44 years old ang may pinakamataas na suporta (80%), habang ang 45–54 age group ang pinakamababa (71%).

Sa socioeconomic class, parehong nasa 76% ang suporta ng Class ABC at D, habang 71% sa Class E.

Ayon pa sa OCTA, “Rural Filipinos (76%) match their urban counterparts (75%) almost perfectly.”

Ang survey ay kinomisyon ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at isinagawa mula Marso 19–25 gamit ang face-to-face interviews sa 1,200 respondents, na may ±3% margin of error. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here