Home NATIONWIDE Pagtatayo ng nature reserve ng Tsina sa Scarborough, pinalagan ng Pinas

Pagtatayo ng nature reserve ng Tsina sa Scarborough, pinalagan ng Pinas

235
0

MANILA, Philippines – Mariing tinutulan ng Pilipinas ang plano ng China na magtatag ng “nature reserve” sa Bajo de Masinloc (Scarborough Shoal), iginiit na tanging Maynila lamang ang may kapangyarihang magdeklara ng protected area sa lugar.

Sa isang pahayag, tinawag ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang plano ng Beijing na “illegitimate and unlawful” at hiniling na ito ay bawiin, na binanggit ang UNCLOS, ang 2016 South China Sea Arbitral Award, at ang 2002 Declaration on the Conduct of Parties in the South China Sea.

Binigyang-diin ng DFA na ang Bajo de Masinloc ay bahagi ng teritoryo ng Pilipinas at may “exclusive authority” ang bansa na magtakda ng environmental protection zones. Dagdag pa ng ahensya, magsusumite ito ng pormal na diplomatic protest.

Inanunsyo ng China na inaprubahan ng kanilang State Council ang pagtatatag ng Huangyan Dao National Nature Reserve sa shoal. Ayon sa DFA, malinaw itong paglabag sa karapatan at interes ng Pilipinas. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here