Home NATIONWIDE Lacson: Flood control mess, mas malala pa kay Napoles

Lacson: Flood control mess, mas malala pa kay Napoles

271
0

MANILA, Philippines – Nagbabala si Senador Panfilo Lacson na maaaring madamay ang mga mambabatas sa imbestigasyon ng Senate Blue Ribbon Committee sa maanomalyang flood control projects, na ayon sa kanya ay mas malala pa kaysa sa pork barrel scam ni Janet Lim-Napoles.

Ayon kay Lacson, walang sasantuhin ang komite kung may ebidensya, at kasalukuyang kinukuha ang CCTV footage ng isang emisaryo na si “Mina” na umano’y nagdadala ng obligasyon sa loob ng Senado. Binanggit din niya ang PHP355-milyong insertion sa bicameral budget na wala sa NEP o House bill.

Tinatayang aabot sa PHP2 trilyon ang nawaldas sa mga anomalya sa nakalipas na 15 taon, kung saan 50–60 porsyento ng mga proyekto mula 2011 ang posibleng kuwestiyonable. “Galit na ang kababayan… huwag sanang mauwi sa ganoon,” ani Lacson.

Magpapatuloy ang pagdinig sa susunod na linggo kasama ang mga opisyal ng DPWH at DBM para linawin ang mga budget insertion at kontrata. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here