Home NATIONWIDE Grupo inihirit sa SC na atasan si PBBM solusyunan ang flood control...

Grupo inihirit sa SC na atasan si PBBM solusyunan ang flood control mess

262
0
Supreme Court

MANILA, Philippines – Hiniling ng isang grupo ng mga abogado sa Korte Suprema (SC) na atasan si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang Kongreso, at iba’t ibang ahensya ng gobyerno na tugunan ang paulit-ulit na problema ng pagbaha sa bansa sa pamamagitan ng isang Writ of Kalikasan petition.

Kasama sa petisyon ang pag-utos sa Pangulo ng malawakang paglilinis ng mga daluyan ng tubig; sa DILG at mga LGU para mag-declog ng ilog, kanal, at drainage systems; at sa DPWH na ayusin at rehabilitahin ang mga ito. Hinihiling din na obligahin ang Kongreso na ipasa ang matagal nang nakabinbing National Land Use Act upang matukoy ang mga geo-hazard areas.

Kasama sa mga inireklamo ang Senado, Kamara, DPWH, DILG, MMDA, DBM, DENR, RCBO, lahat ng LGU, at mga kontratista ng flood control. Ipinapanawagan din ang pagsasampa ng kaso laban sa mga diumano’y nakinabang sa korapsyon sa flood control projects.

“The whole country must be rehabilitated, drainage systems de-clogged, rivers and creeks cleaned, and silted waterways dredged to save the nation from total destruction,” ayon sa petisyon. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here