Home NATIONWIDE Sen. Jinggoy may pa-throwback pics nina Rep. Ridon at Hernandez

Sen. Jinggoy may pa-throwback pics nina Rep. Ridon at Hernandez

289
0

MANILA, Philippines – Ikinonekta ni Senador Jinggoy Estrada si Bicol Saro party-list Rep. Terry Ridon kay dating Bulacan engineer Brice Hernandez, na umano’y kaklase niya noon sa pamamagitan ng pagpapalabas ng litrato ng dalawa noong elemntarya ang mga ito.

Sa kabilang banda, mariing itinanggi ito ni Ridon, iginiit na hindi niya naging kaklase si Hernandez sa Lourdes School QC, at kinondena si Estrada sa paglalantad ng address ng kanyang lola sa social media. Hiniling niyang alisin ng senador ang naturang post.

Tinumbasan naman ito ni Ridon sa pagbibigay-diin sa mga litrato ni Estrada kasama ang dating opisyal ng DPWH na sina Roberto Bernardo at Henry Alcantara, na sangkot umano sa korapsyon sa Bulacan flood control projects.

“Those are the pictures that are more important to be explained, not by me, but by Sen. Jinggoy Estrada,” aniya.

Nag-post si Estrada ng yearbook photo na may hashtags na “batchmate sila,” “liars go to hell,” at “casino pa more.” Wala pa siyang tugon sa media hinggil dito.

Ang isyu ay lumitaw matapos akusahan nina Hernandez si Estrada at Senador Joel Villanueva na sangkot sa maanomalyang flood control projects, bagay na kanilang itinanggi.

Sinabi ni Ridon na “very important” ang testimonya ni Hernandez at pinag-aaralan ng kanyang komite ang posibilidad ng witness protection para kina Hernandez at engineer Jaypee Mendoza. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here