Home NATIONWIDE Pagtugis sa umatake sa UP stude, patuloy; seguridad sa campus, pinaigting

Pagtugis sa umatake sa UP stude, patuloy; seguridad sa campus, pinaigting

MANILA, Philippines- Sinabi ng estudyante na biktima ng sexuak assault sa loob ng University of the Philippines Diliman campus nitong Sabado na makikilala niya ang umatake sa kanya, sa pagpapatuloy ng imbestigasyon.

Batay sa ulat nitong Lunes, sinabi ng biktima sa mga pulis na habang naglalakad siya sa Ylanan Street patungong Commonwealth Avenue dakong alas-11 ng gabi nitong July 1, lumapit sa kanya ang suspek at itinulak siya sa mapunong lugar sa bahagi ng kalsada. Armado umano ito ng blade.

Habang nagpupumiglas ang biktima, nakarinig ng paparating na mga tao dahilan upang tumakas ang assailant.

“May mga security personnel na eventually nakita siya, kaya napigil yung assault at a certain time; naiwasan kung ano pang puwedeng mangyari,” pahayag ni UP Diliman Chancellor Edgardo Carlo Vistan II. “Kumaripas na ng takbo ‘yung umatake sa kanya.”

Dinala ng UP Diliman police ang biktima sa UP Health Service at tinulungan siyang maghain ng reklamo sa Philippine National Police. 

“We have already endorsed the victim to the crime laboratory for physical, medical examination,” pahayag ni Quezon City Police District Director Police Brigadier General Nicolas Torre III.

“May mga injuries siya sa katawan, sa paa, sa tiyan, sa kamay.”

Sinabi ni Vistan na wala silang impormasyon kung may indikasyon na ginahasa ang biktima. “The initial psychological and mental wellness support through the women’s desk of the police was also given,” aniya.

Inilahad pa ni Vistan na pinaigting na ang seguriad sa lugar. Pinagpuputol na rin ng mga trabahador ang mga puno sa paligid ng creek kung saan naganap ang pag-atake.

“Ang isa naming iniisip, moving forward, is to perhaps provide transportation to who want to pass by the area at a certain time,” pahayag niya.

Sa pagsasabi ng biktima na makikilala niya ang suspek, iginiit ng QCPD na dapat na itong sumuko.

“We’ll look into CCTVs na possible na naka-catch ng nangyaring ito,” ani Torre.

“Pina-fingernail examination ‘yung victim. Ma-sa-science natin itong case na ito.” RNT/SA