Home HEALTH Pagtuklas sa gamot sa diabetes ng DOH, UP-PGH fake news!

Pagtuklas sa gamot sa diabetes ng DOH, UP-PGH fake news!

MANILA, Philippines – Iginiit ng Department of Health (DOH) na maiiwasan ang non-communicable diseases tulad ngĀ  diabetes sa pamamagitan ng healthy lifestyle at hindi ng anumang produkto na nabebenta online.

Ang pahayag ng DOH ay kasunod ng artikulo gamit ang pangalan ni DOH Secretary Teodoro Herbosa at ang University of the Philippines-Philippine General Hospital (UP-PGH) na kumakalatĀ  online.

Tinutukoy ng artikulo ang DOH na nakikipagtulungan sa UP-PGH para tuklasin ang gamot sa diabetes kung saan patatatagin ang kanilang blood sugar.

Nilinaw ng DOH sa isang advisory na walang anumang scenario o pahayag na ginawa ang ahensya at opisyales nito.

Pinaalalahanan din ang lahat na maaring maiwasan ang communicable diseases at comorbidities sa pamamagitan ng tamang duet at regular exercise bukod sa iba pa.

“Criminal charges may be pressed if related post/s shall persist,” saad pa ng advisory.

Inatasan din ng DOH ang publiko na kumuha ng impormasyon mula lamang sa mga lehitimong mapagkukunan at plataporma ng mga ahensya ng gobyerno. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)