MANILA, Philippines – Ibinabala ng state weather bureau PAGASA ang mapanganib na heat index o damang-init sa 25 lugar sa buong bansa ngayong Huwebes, Mayo 9.
Sa pagtataya nito, ang mga sumusunod na lugar ay inaasahang magkakaroon ng heat index mula 42°C hanggang 45°C:
45°C:
—Dagupan City, Pangasinan
—Virac (Synop), Catanduanes
—Roxas City, Capiz
44°C:
—Puerto Princesa City, Palawan
—Aborlan, Palawan
—Cuyo, Palawan
43°C:
—Laoag City, Ilocos Norte
—MMSU, Batac, Ilocos Norte
—Bacnotan, La Union
—Dumangas, Iloilo
—Guiuan, Silangang Samar
42°C:
—NAIA, Pasay City, Metro Manila
—Sinait, Ilocos Sur
—Iba, Zambales
—Clark Airport (DMIA), Pampanga
—CLSU Muñoz, Nueva Ecija
—Cubi Pt., Subic Bay, Olongapo City
—San Jose, Occidental Mindoro
—Legazpi City, Albay
—Masbate City, Masbate
—CBSUA-Pili, Camarines Sur
—Mambusao, Capiz
—Iloilo City, Iloilo
—Catarman, Northern Samar
—Dipolog, Zamboanga Del Sur
Inaasahang magkakaroon ng pinakamababang heat index ang Baguio City, Benguet, at Benguet State University (BSU), La Trinidad, Benguet sa 27°C.
Ayon sa PAGASA, nasa danger level ang mga lugar na may 42°C hanggang 51°C heat index.
Ang heat index ay tumutukoy sa sukat ng temperatura na nararamdaman ng katawan, na iba sa aktwal na temperatura ng hangin. Ito ay kinakalkula sa pamamagitan ng pagsasaliksik sa halumigmig at temperatura ng hangin.
Ang init ay nagpapataas ng panganib ng heat cramps, heat exhaustion, at heat stroke na dulot ng patuloy na pagkakalantad. RNT