Home NATIONWIDE Pagtutulak sa VP Sara impeachment bunsod ng takot na mapanagot sa flood...

Pagtutulak sa VP Sara impeachment bunsod ng takot na mapanagot sa flood control probe – solon

154
0

MANILA, Philippines – Naniniwala si Navotas Rep. Toby Tiangco na ang pagtutulak sa impeachment laban kay Bise Presidente Sara Duterte ay maaaring udyok ng takot ng ilang mambabatas na mapanagot sa umano’y anomalya sa flood control, lalo na kung ito ay tatakbo sa pagkapangulo sa 2028.

Ayon kay Tiangco, dapat nakatuon ang impeachment sa pananagutan at hindi gamitin bilang paraan upang makaiwas sa accountability ang ilang opisyal.

“Dapat nating siguraduhin na itong proseso ng impeachment kay VP Sara is really for accountability at hindi para maka-escape from accountability ‘yung mga taong involved sa pinakamalaking scam– doon sa flood control… Baka naman kaya lang nila gusto ma-impeach si VP Sara dahil natatakot sila sa posibilidad na maging presidente siya at kung maging presidente siya, kung sa ngayon ay nakakalusot sila at hindi pa sila napapanagot doon sa kanilang mga kasalanan, sa tingin nila hindi sila makakalusot kay VP Sara. So we have to make sure of that,” ani Tiangco.

Iginiit din niya na may “one million percent” na posibilidad na hindi makikipagkompromiso si Duterte sa usapin ng hustisya sa nasabing isyu.

“I don’t want to pass judgment on them… Ang sinasabi ko lang si Sara, one million percent, hindi nila maareglo. So kung ikaw ‘yung mayroong may kasalanan, gusto mo bang manalo ‘yung one million percent hindi mo maareglo? Hindi ko hinuhusgahan ‘yung ibang kandidato. Ang sinasabi ko lang ito, siguradong hindi nila maaareglo. Alam ko ‘yun, at alam nila ‘yun,” aniya.

Ipinahayag din ni Tiangco ang kanyang pagkadismaya sa paghawak ng administrasyon sa isyu ng flood control at nagbabala na posibleng maapektuhan ang pondo ng mga mambabatas na tututol sa impeachment.

“Talagang posible na ‘pag hindi ka bumoto, ‘yung FLR mo ay never nang ma-release. ‘Yun ang pwedeng gawin carrot and stick. So ‘yan ang bantayan natin,” dagdag niya.

Inamin din ng kongresista ang kanyang pagkadismaya sa liderato ni House Speaker Faustino “Bojie” Dy III, dahil umano sa pagpapatuloy ng mga nakapaligid mula sa nakaraang pamunuan.

Binanggit din niya na maaaring may katotohanan ang pahayag ng 18 dating sundalo hinggil sa umano’y pagdadala ng mga maletang may laman na pera sa ilang opisyal ng gobyerno, bagama’t tumanggi siyang magbigay ng detalye. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here