Home NATIONWIDE Pahayag ng Ombudsman sa Davao City bilang ‘epicenter’ ng flood control anomaly,...

Pahayag ng Ombudsman sa Davao City bilang ‘epicenter’ ng flood control anomaly, binatikos ni Paolo Duterte

2
0

MANILA, Philippines – Kinuwestiyon ni Davao City 1st District Rep. Paolo “Pulong” Duterte ang pahayag ni Ombudsman Jesus Crispin “Boying” Remulla na tinawag ang Davao City na “epicenter” ng flood control corruption bago ang administrasyong Marcos.

Hinamon ni Duterte si Remulla na suriin muna ang mga rekord ng Department of Public Works and Highways (DPWH) tungkol sa mga proyektong isinagawa sa Davao mula 2020 hanggang 2022. Sinabi rin niyang handa siyang magbigay ng sariling kopya ng mga dokumento.

Iginiit ni Duterte na nagsimula lamang siyang maging kongresista noong 2019 at dapat imbestigahan ang mga proyekto sa iba’t ibang panahon at hindi lamang ituon sa isang pamilya o administrasyon.

Nagbabala rin siya laban sa pagbibigay ng mga konklusyon nang walang sapat na ebidensya, at hinimok ang Ombudsman na maghanap ng konkretong katotohanan sa halip na mga “convenient villains.”

Samantala, nilinaw naman ni Remulla na hindi pa siya nagbibigay ng pinal na konklusyon. Ayon sa Ombudsman, patuloy nilang sinusuri ang mga dokumento at ebidensya sa mga flood control project sa Davao City. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here