Home HOME BANNER STORY Pahayag ng PH envoy sa S. China Sea sinita ng Chinese Embassy...

Pahayag ng PH envoy sa S. China Sea sinita ng Chinese Embassy sa Pinas

MANILA, Philippines- Mariing kinondena ng Chinese Embassy sa Pilipinas ang kamakailan lamang na naging pahayag ni Philippine ambassador to Washington Jose Manuel Romualdez ukol sa South China Sea.

Sinabi kasi ni Ambassador Romualdez na bagama’t nakikita ng Estados Unidos bilang seryosong concern ang isyu sa disputed water at posibleng conflict sa Taiwan, naniniwala ang envoy na ang tunay aniyang flashpoint ay ang West Philippine Sea dahil lahat umano ng pinag-aawayan ay nasa naturang karagatan.

Para sa Embahada ng Tsina, ang pahayag na ito ni Romualdez “wantonly hyped up the South China Sea issue and made speculations and malicious sears against China.”

Tinuran pa ng embahada ng China na ang pagdadala umano ng outside forces at pagbuo ng maliit na hanay ay hindi makatutulong upang matugunan ang mga hindi pagkakaunawaan sa pinagtatalunang karagatan ngunit magpapalubha lamang sa sitwasyong pangrehiyon gayundin ay makasisira sa kapayapaan at katatagan ng rehiyon.

Hinikayat nito si Romualdez na ihinto ang pagpapakalat ng umano’y maling ‘China threat’ at ‘Sinophobia’ remarks,” at nanawagan sa opisyal ng Pilipinas na iwasang maging “mouthpiece” para sa ibang mga bansa.

Sa kabilang dako, sinabi ni Romualdez na ang tumataas na tensyon sa pagitan ng Tsina at Taiwan ay pangunahing concern subalit ang Chinese takeover ay maituturing na “calculated risk.”

Sinabi pa ni Romualdez na si Chinese President Xi Jinping ay “not going to make a move unless he is absolutely sure that he can militarily take over Taiwan.”

“Deterrence is the only way to stop them from going into that kind of situation. So we’re hoping that every morning when President Xi wakes up he’s going to say, ‘Today’s not the day’,” giit ni Romualdez.

“The aggression that we are now facing is very real,” aniya pa rin na hindi naman pinangalanan ang Tsina sabay sabing, “Never in our lifetime even during World War II did we face such a challenge because this country will not let up on their claim in many of our territorial waters.”

Patuloy niya, ang unpredictable situation sa katubigan ang dahilan kung bakit hindi nakakatulog sa gabi si Pangulong  Ferdinand Marcos Jr. at iba pang opisyal ng Pilipinas. Kris Jose

Previous articleBea at Dom, nagkabalikan?
Next articleMga Pinay kinilala ng DAR