Home ENTERTAINMENT Bea at Dom, nagkabalikan?

Bea at Dom, nagkabalikan?

Manila, Phillippines – Nito lang, Ogie Diaz has earned the infamous tag bilang Patron ng mga Showbiz Breakups.

Sunud-sunod kasi ang mga pasabog ng talent manager cum content creator tungkol sa paghihiwalay ng mga showbiz couples.

Ano’t sa kanyang latest showbiz update ay nag-360-degree turn si Ogie?

May himig kasi ng balikan ang latest angle tungkol sa sinusubaybayan pa ring naudlot na romansa sa pagitan nina Bea Alonzo at Dominic Roque.

Matatandaang kapwa nagdesisyon sina Bea at Dom na i-call off ang kanilang engagement matapos nilang isapubliko ang kanilang paghihiwalay.

Ayon sa nasagap ni Ogie, mukhang ikatutuwa ng mga Bea-Dom supporters na inaayos daw ng dalawa what needs to be fixed.

Sa katunayan daw, bago bumiyahe patungong Singapore si Bea kasama ang kanyang pamilya ay–hold your breath–natulog pa raw si

Dom sa bahay ng aktres.

”Di lang ako sure kung saang bahagi ng bahay nila Bea natulog si Dom, ha?” ani Ogie.

Magugunitang spotted si Bea while malling and dining with her mom in Singapore ng mismong araw na naglabas sila ni Dom ng joint statement ukol sa kanilang mutually agreed breakup.

“Ewan ko rin kung totoo ito, ha?” pahabol na tsika ni Ogie.

“Nu’ng umuwi na sila Bea from Singapore, eh, sa bahay uli ng aktres natulog si Dom…sa sofa raw sa sala ng bahay!” dagdag info pa ni Ogie.

Pero giit niya, mas maganda raw kung mismong kina Bea at Dom manggagaling ang kumpirmasyon sa ibinalita niya.

Kung sakali raw kasing totoo ang nasagap niyang balita ay welcome news ‘yon para sa mga kaibigan at fans ng dalawa na nagdarasal na magkabalikan sila.

Granting na totoo, may posibilidad na tuloy ang kanilang kasal? Ronnie Carrasco III

Previous articleDagdag-bawas sa presyo ng produktong petrolyo gugulong ngayong Marso
Next articlePahayag ng PH envoy sa S. China Sea sinita ng Chinese Embassy sa Pinas