Home HOME BANNER STORY Dagdag-bawas sa presyo ng produktong petrolyo gugulong ngayong Marso

Dagdag-bawas sa presyo ng produktong petrolyo gugulong ngayong Marso

MANILA, Philippines- Sinalubong ng pagpapatupad ng dagdag-bawas sa presyo ng mga produktong petrolyo ang buwan ng Marso na magiging epektibo bukas ng umaga.

Sa abiso ng mga kompanya ng langis sa bansa na pinangunahan ng Pilipinas Shell, Petron Corporation, Seaoil, PTT Philippines, Total Philippines, Unioil, Petro Gazz at Phoenix Petroleum, magpapatupad sila ng dagdag presyo na P0.50 sa kada litro ng gasoline habang bawas presyo na P0.40 sa kada litro ng diesel at P0.35 sa kada litro ng kerosene epektibo alas-6 ngayong umaga.

May dagdag-bawas presyo din sa mga nasabing produktong petrolyo sa kahalintulad na halaga ang kompanyang Caltex (CPI) na ipapatupad alas-12:01 bukas ng madaling araw habang ang kompanyang Cleanfuel naman ay magiging epektibo alas-4:01 bukas ng hapon.

Ang ipapatupad na dagdag-bawas sa presyo sa mga produktong petrolyo ay bunsod sa patuloy na paggalaw ng presyuhan nito sa pandaigdigang merkado. JAY Reyes

Previous article13 Vietnamese na sangkot sa ilegal na negosyo tiklo sa BI
Next articleBea at Dom, nagkabalikan?