Home NATIONWIDE Pahayag ng star witness ng Quad Comm ibinasura nina Rep. Duterte, Antiporda

Pahayag ng star witness ng Quad Comm ibinasura nina Rep. Duterte, Antiporda

124
0

Manila, Philippines – Tahasang itinanggi ni Davao Rep. Paolo Duterte ang anumang kaugnayan niya sa dating opisyal ng Bureau of Customs na si Jimmy Guban na humarap sa pagdinig ng Quad Comm na ginanap sa Bacolor, Pampanga.

“Hindi ko po kilala si Jimmy Guban at sigurado ako na hindi rin niya ako kilala. Wala kaming anumang transaction o ugnayan kaya walang rason na siya ay pagbantaan kung babanggitin man niya ang pangalan ko. Nais ko pong ipaalala sa taumbayan na ang salitang “star witness” ay humahalimbawa lamang sa mga taong nagsasalita ng katotohanan lamang at may kredibilidad,” ayon sa kongresista.

Binanggit pa ni Duterte na hindi si Guban ang dapat na maging isang star witness dahil nang tumestigo ito sa Senado ay na-contempt matapos ang diumano’y pagsisinungaling sa komite.

“Hindi po si Jimmy Guban ang taong yan sapagkat siya po ay na i-contempt na ng Senate Blue Ribbon Committee dahil sa kanyang pagsisinungaling. Klaro po na walang kredibilidad ang taong yan at walang basehan ang kanyang mga sinasabi noon pa man, kaya di ko po alam kung bakit bigla po siyang naging star witness dito.”

Kasabay nito ay humingi si Duterte ng kopya ng pahayag ni Guban sa komite upang kaniya din itong mapag-aralan.

Samantala, maging ang Vice President ng National Press Club na nabanggit ni Guban sa kaniyang testimonya na si Benny Antiporda ay dumipensa sa pagsasabing hindi niya personal na kakilala ang testigo maging ang mga personalidad na iniuugnay dito.

“For one, I do not know him as he himself admitted that he does not know me. For another, while I know Michael Yang, Mans Carpio and Polong by their names, I do not personally know any of them, have not met them, much less talked to any of them personally or electronically at any occasions,” sinabi ni Antiporda.

BInigyang diin pa ni Antiporda na hindi siya kumikiling sa anumang korapsyon o sa iligal na droga.

“I would like to emphasize that I totally abhor corruption and it is a common knowledge, and it is with more reason that I absolutely against illegal drugs” (Meliza Maluntag)

 

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here