Home NATIONWIDE Register Anywhere Program deadline ‘di na palalawigin pa

Register Anywhere Program deadline ‘di na palalawigin pa

MANILA, Philippines – Hindi na palalawigin ng Commission on Elections (Comelec) ang deadline ng Register Anywhere Program.

Ayon kay Comelec Chairman George Erwin Garcia, wala nang plano ang komisyon na i-extend ang programa na matatapos sa Àgosto 30.

Ang Register Anywhere Program itinalaga sa ilang mga malls ay naglalayong magsagawa ng pagpapatala sa mga bagong botante at magpapa lipat ng kanilang voting place.

Maari pa rin namang magpatala ang mga bagong botante sa mga election offices na nakakasakop sa lugar kung saan sila boboto sa 2025 Midterm election.

Tatagal ang registration ng hanggang September 30. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)