Home METRO Pahayag ni Padilla na ‘weak’ ang kabataan, tinuligsa ng mga eksperto

Pahayag ni Padilla na ‘weak’ ang kabataan, tinuligsa ng mga eksperto

268
0

MANILA, Philippines – Kinondena ng Psychological Association of the Philippines (PAP) ang pahayag ni Senador Robin Padilla na “weak” ang kabataan ngayon, at sinabing ito ay stigmatizing at nakasasama sa mga may pinagdadaanang mental health issues.

Ayon sa PAP, mali sa siyensya at mapanganib sa lipunan ang pag-uugnay ng mental illness sa kahinaan ng karakter. Anila, ang depresyon at iba pang mental health conditions ay hindi tanda ng katamaran o moral failure, kundi mga kondisyong may biological, psychological, at social na salik.

Binigyang-diin din ng grupo na ang pagtawag na “weakness” sa mental illness ay nagdudulot ng hiya at pumipigil sa mga tao na humingi ng tulong. Batay sa datos ng UNICEF Philippines, tinatayang isa sa walong adolescents at isa sa 17 bata sa bansa ay may diagnosable mental disorder. Samantala, ayon sa World Health Organization (WHO), kabilang ang depresyon at anxiety sa pangunahing sanhi ng disability sa Pilipinas.

Sinabi ng PAP na ang mas mataas na bilang ng naiuulat na kaso ay hindi nangangahulugang mahina ang kabataan, kundi mas may kamalayan na sila sa mental health.

Nanawagan ang PAP sa mga lider na maging responsable at nakabatay sa siyensya ang mga pahayag tungkol sa mental health. Bukas din umano ang grupo na makipagtulungan sa mga policymaker para sa mas maayos na mental health programs at stigma reduction.

Noong Pebrero 11, sinabi ni Padilla sa Senate hearing na: “Ang mga bata po ngayon… you are weak.” Iginiit niya na dapat suriin ang epekto ng sobrang paggamit ng social media sa kabataan. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here