Home NATIONWIDE Pahinante tigok, 2 sugatan sa tumalon na truck sa bangin

Pahinante tigok, 2 sugatan sa tumalon na truck sa bangin

217
0

ZAMBOANGA DEL NORTE – Patay ang isang pahinante habang sugatan ang dalawa, kabilang ang driver ng wing van truck, matapos mahulog sa bangin, iniulat kahapon sa bayan ng Gutalac.

Inaalam pa ng mga awtoridad ang pagkakakilanlan ng nasawi, habang nakilala ang isa sa mga sugatan na si Albert Barami, pawang mga taga-Sibugay.

Batay sa report ng Police Regional Office-Zamboanga (PRO-9), bandang 11:00 a.m. noong Lunes naganap ang insidente sa Sitio Maganese, Canupong, Barangay Mamawan, Gutalac, Zamboanga del Norte.

Ayon kay Police Major Shellamie Chang, tagapagsalita ng PRO-9, nawalan ng preno ang truck na may kargang mga kape at milk products dahilan para mahulog ito sa bangin na may lalim na 20 talampakan.

Nagpapatuloy naman ang imbestigasyon ng mga awtoridad kaugnay sa nasabing insidente. /Mary Anne Sapico

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here