Home METRO Rider dedo sa lumipad na motorsiklo

Rider dedo sa lumipad na motorsiklo

201
0

SOUTH COTABATO – Sabog ang bungo ng isang rider matapos lumipad ang minamanehong motorsiklo at bumangga sa likurang bahagi ng isang 10-wheeler truck, iniulat kahapon sa bayan ng Tupi.

Kinilala ang nasawi na si Steve Tambod, 22-anyos, residente ng Sitio Acfaon, Barangay Bunao, Tupi.

Batay sa report ng Tupi Municipal Police Station, bandang 6:50 p.m. naganap ang insidente sa tapat ng Southeast Asian Institute of Technology na sakop ng Purok 7, Barangay Crossing Rubber ng nasabing bayan.

Lumabas sa imbestigasyon ng pulisya na mabilis umano ang pagpapatakbo ng biktima sa kanyang Raider motorcycle hanggang sa sumalpok ito sa kasunod na 10-wheeler truck na minamaneho ng isang nagngangalang Victor, 49, taga Midsayap, Cotabato.

Sa lakas ng pagkakabangga, tumilapon ang biktima sa kalsada at nagtamo ng matinding pinsala sa ulo na naging sanhi ng agaran nitong kamatayan. /Mary Anne Sapico

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here