Home METRO Pahinanteng nasangkot sa away, nahulihan ng shabu

Pahinanteng nasangkot sa away, nahulihan ng shabu

1
0

MANILA, Philippines – Kalaboso ang isang lalaki na nasangkot sa away subalit ng dalhin sa barangay hall ay nahulihan ito ng shabu sa Brgy. Apolonio Samson, Quezon City nitong nakalipas na linggo.

Kinilala ng pulisya ang nadakip na suspek na si alyas Jomark, 40-anyos binata, walang pahinante at residente ng Brgy. Apolonio Samson, QC.

Ayon kay PSSg. Raymund Fallarme  investigator ng Quezon City Police District Station Drug Enforcement Unit ng Station. 1  Laloma nadakip ang suspek dakong 7:20 ng gabi nitong Hulyo 9 nitong nakalipas na linggo sa Brgy. Hall ng Apolonio Samson, QC.

Sinabi ni Fallarme na nasangkot ang suspek sa isang away matapos umanong pagbintangan ito nagnakaw ng pera ng kanyang kapitbahay.

Nabatid pa kay. Fallarme na dinala ang dalawa sa tanggapan ng barangay hall ng Apolonio Samson upang pagkasunduin hinggil sa kanilang problema at hindi pakakaintindihan.

Subalit habang pinag-aayos ang dalawa sa barangay ay may itinapon ang suspek na isang maliit na plastic sachet  mula sa kanyang bulsa.

Agad itong pinulot ng barangay tanod (BPSO) subalit nabisto na ang maliit na plastic sachet ay naglalaman ng shabu.

Inaresto agad ang suspek at ngayong nakapiit sa naturang himpilan ng pulisya at nahaharap sa kasong Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. (Santi Celario)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here