Home METRO Superkalan sumabog, 3 sugatan

Superkalan sumabog, 3 sugatan

1
0

CAVITE, Philippines – Tatlong katao ang nasugatan makaraang sumabog ang isang Superkalan habang naghahanda ng pagkaing ibebenta sa loob ng kanilang bahay sa General Mariano Alvarez, Cavite.

Kaagad namang naisugod  sa CARSIGMA Hospital bago inilipat sa Philippine General Hospital ang mga biktima na sina alyas Ernesto, alyas Liza at alyas Ben dahil sa tinamong lapnos sa katawan bunga ng nasabing pagsabog.

Ayon sa report, bandang alas-11:30 ng umaga nang naganap ang insidente sa loob ng bahay ng mga biktima sa Block 2 Lot 7 Gamana Site, Brgy Maderan,ng nasabing bayab kung saan naghahanda ng pagkaing ibebenta.

Makalipas ang ilang minuto binuksan   ni alyas Ben ang reguator ng Superkalan. subalit  nakalimutan nitong i-turn off  kung kaya sumingaw ito at  gumapang ang gas mula sa kalan na dahilan ng pagsabog.

Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng pulisya sa naganap na insidente  para sa iba pang detalye ng pangyayayari. MARGIE BAUTISTA 

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here