Home OPINION PAKAPALAN NG MUKHA SA ‘MAHIYA NAMAN KAYO!’

PAKAPALAN NG MUKHA SA ‘MAHIYA NAMAN KAYO!’

242
0

SA ibang bansa, kapag may ahensya na pumalpak sa tungkulin nito o may korapsyon o pandarambong , nagbibitiw ang mga namumuno hindi lang sa tungkulin kundi mismo sa gobyerno.

Naganap ito kamakailan lang sa South Korea nang sumama kay President Yoon Suk Yeol ang lahat ng kanyang mga minister at vice minister na nagbitiw sa gobyerno dahil sa korapsyon.

Sa Japan noong 2023, nag-resign sina Chief Cabinet Secretary Hirokazu Matsuno, Economy and Industry Minister Yasutoshi Nishimura, Internal Affairs Minister Junji Suzuki, Agriculture Minister Ichiro Miyashita at Michiko Ueno, a special advisor to the prime minister dahil sa multimilyong yen na kikbak.

Kaugnay ito, mga brad, sa nakaraang State of the Nation Address ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Makaraang wala itong mai-ulat na maganda ukol sa anti-flood projects at grabeng mga pagbaha sa nakaraang taon hanggang ngayon at iba pang mga imprastraktura na lumalabas na pinondohan sa utang, sinabi nito:

“Huwag na po tayong magkunwari. Alam naman ng buong madla na nagkaka-racket sa mga proyekto.

“Mga kickback, mga initiative, errata, SOP, for the boys. Kaya sa mga nakikipagsabwatan upang kunin ang pondo ng bayan at nakawin ang kinabukasan ng ating mga mamamayan, mahiya naman kayo sa inyong kapwa Pilipino!

“Mahiya naman kayo sa mga kabahayan nating naanod o nalubog sa mga pagbaha!

“Mahiya naman kayo lalo sa mga anak natin na magmamana sa mga utang na ginawa ninyo, na binulsa niyo lang ang pera.”

Ilang araw na mula noong SONA na pinalakpakan nang may standing ovation pa ng maraming pinaniniwalaang korap ng mga mamamayan, wala ni sinoman ang nagre-resign.

Sa halip, lahat sila’y nagsasabing inosente at inginunguso ang mga climate change, mababaw na daluyan ng tubig, maliit na badyet, palpak na batas at disenyo at iba pa.

Sa Pinas, grabe pakapalan ng mukha!

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here