Home NATIONWIDE Pakikipagtransaksyon sa fixers, ‘di awtorisadong ahente ibinabala ng BI

Pakikipagtransaksyon sa fixers, ‘di awtorisadong ahente ibinabala ng BI

270
0

MANILA, Philippines – Nagbabala ang Bureau of Immigration (BI) sa publiko laban sa pakikipagtransaksyon sa mga fixer at hindi awtorisadong ahente kasunod ng pagkakaaresto sa dalawang indibidwal na nagpapakilalang empleyado ng BI.

Ayon sa ulat, naaresto ng mga operatiba ng Quezon City Police District (QCPD) Criminal Investigation and Detection Unit ang mga suspek sa isang entrapment operation sa loob ng Camp Karingal noong Biyernes ng gabi. Inakusahan ang dalawa ng pangingikil ng pera sa isang 43-anyos na Korean national kapalit ng renewal ng kanyang working visa at Alien Certificate of Registration (ACR).

Sa isang pahayag, kinumpirma ni BI Commissioner Joel Anthony Viado na na-verify na ang pagkakakilanlan ng mga naarestong indibidwal at hindi sila empleyado ng Bureau of Immigration.

“We commend the swift action of the QCPD in apprehending these individuals who misrepresented themselves as BI personnel,” ani Viado.

“We remind the public to remain vigilant and to never transact with fixers or unauthorized agents,” dagdag pa ng opisyal.

Binigyang-diin ni Viado na ang lahat ng lehitimong serbisyo sa imigrasyon ay kumbinyente at ligtas na magamit sa pamamagitan ng online e-services portal ng Bureau sa e-services.immigration.gov.ph o sa pamamagitan ng pagbisita sa alinman sa higit sa 60 BI offices sa buong bansa.

“The Bureau continues to promote transparency and integrity in public service,” saad ni Viado. “We urge the public to report anyone posing as a BI employee or engaging in illegal activities in the name of the agency.”

Hinikayat naman ng BI ang iba pang posibleng biktima na lumapit at iulat ang insidente sa pulisya. JAY Reyes

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here