Home NATIONWIDE PBBM, nagkaloob ng cash incentives sa WorldSkills ASEAN medalists

PBBM, nagkaloob ng cash incentives sa WorldSkills ASEAN medalists

355
0

MANILA, Philippines – Pinagkalooban ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ng cash incentives ang mga Filipino medalists na nagpakita ng galing sa 14th WorldSkills ASEAN Manila 2025, bilang pagkilala sa kanilang ‘outstanding performance’ sa iba’t ibang technical at vocational skills.

Inanunsyo ni Pangulong Marcos ang pagkakaloob ng cash rewards mula sa Office of the President (OP) sa isinagawang pagpupulong kasama ang WorldSkills ASEAN medalists sa Palasyo ng Malakanyang.

Sa naging talumpati ng Pangulo, inanunsyo nito ang cash incentives na P100,000 para sa gold (ginto), P80,000 para sa silver (pilak), P60,000 para sa bronze (tanso) at P50,000 para sa medallion recipients.

“Now, we did very well and I’m very, we’re all very proud of you because there’s more than just a contest or just a competition between different countries in ASEAN. It also shows the quality of the training that we have given our workers,” ayon kay Pangulong Marcos.

“You have once again proved to the world the value of the Filipino worker. And to encourage you and so to encourage others to follow in your footsteps, meron tayong ibinibigay na mula sa tanggapan ko,” aniya pa rin.

Pinuri naman ng Pangulo ang mga competitors o kalahok sa paligsahan sa pagdadala ng karangalan sa bansa at patunayan ang world-class talent ng mga manggagawang pinoy.

Sinabi nito na ang tagumpay ng mga nagpartisipa ay patunay lamang ng kagalingan ng ‘skilled labor at craftsmanship.’

“Sa inyong ginawa at sa naging successful na resulta, pinakita lang natin na hindi ito haka-haka na sinasabing magaling ang Pilipinong manggagawa. Basta sabi natin, ito may pruweba na tayo, kung titignan mo, kung ikukumpara mo,” anito.

Binigyang diin din ni Pangulong Marcos ang kahalagahan ng pagkilala sa pagsisikap ng mga katunggali hindi lamang sa uri ng pasasalamat o pagtanaw ng utang na loob kundi paghikayat sa ‘future international competitions.’

Nagpahayag naman ng kumpiyansa ang Chief Executive na ipagpapatuloy ng ‘technical at vocational sector’ ng bansa ang pagpo-produce ng globally competitive workers, dapat lamang ay mabigyan ang mga kabataang filipino ng tamang pagsasanay, suporta at oportunidad.

“‘Yung aming nararamdaman, basta ipinagmamalaki namin ang lahat ng mga Pilipino. Totoo naman may pinagbabasehan,” ang sinabi ni Pangulong Marcos.

Ang Pilipinas ay sumulpot bilang isa sa top-performing nations sa WorldSkills ASEAN Manila 2025, nakakuha ng 10 gold medals sa panahon ng kompetisyon na idinaos mula Aug. 25 hanggang 30 sa Pasay City.

Nasungkit ang gintong medalya sa 10 skill areas, kabilang na rito ang tatlong demonstration events: Industrial Control, Carpentry, at Plumbing and Heating.

Maliban sa gold medals, nakapag-uwi rin ang Pilipinas ng pitong silver at walong bronze medals, kasama ang limang Medallions for Excellence, na ipagkakaloob sa mga competitors kung saan ang performance ay na-meet ang napakahigpit na international standards na itinakda ng WorldSkills International. (KRIS JOSE)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here