MANILA, Philippines — Kinasuhan na ng murder ang lalaking tumulak sa isang senior citizen na Pilipina sa paparating na tren sa Powell street BART Station, na naging sanhi ng kanyang kamatayan, ayon sa San Francisco District Attorney’s office nitong Huwebes.
Namatay si Corazon Dandan, 74, dahil sa matinding pinsala sa ulo matapos siyang itulak sa daanan ng tren ni Trevor Belmont, kilala rin bilang Hoak Taing.
Ang biktima ay galing sa kanyang shift sa isang lokal na hotel at naghihintay ng kanyang tren pauwi nang mangyari ang hindi sinasadyang pag-atake.
Nauna nang inilarawan ng Bay Area Rapid Transit (BART) police ang suspek bilang “transient” o walang tirahan.
Kinondena ni San Francisco District Attorney Brooke Jenkins ang nakamamatay na pag-atake laban kay Dandan. RNT