Home METRO Sunog na bangkay ng 21-anyos na estudyante natagpuan sa La Union

Sunog na bangkay ng 21-anyos na estudyante natagpuan sa La Union

MANILA, Philippines – Narekober ng mga awtoridad ang nasunog na bangkay ng isang estudyante sa Baguio City sa isang bakanteng lote sa Bacnotan, La Union.

Kinilala ng pulisya ang biktima na isang 21-anyos na estudyante mula sa Pozorrubio, Pangasinan.

Bago ang krimen, nagpaalam umano ito sa kanyang mga magulang na babalik siya sa Baguio City sa Hulyo 1, Linggo.

Gayunpaman, ang kanyang mga nasusunog na labi ay natagpuan sa Barangay Quirino noong Hulyo 2 matapos itong i-report ng isang truck driver sa mga awtoridad.

Batay sa inisyal na imbestigasyon, tinamaan ng matigas na bagay ang biktima sa ulo at noo. Natagpuan din sa kanyang kanang paa ang isang sugat na pinaniniwalaang dahil sa saksak ng ice pick.

Sinabi ng pulisya na sinusubukan nilang matukoy kung buhay o patay ang biktima nang masunog ang katawan nito. Inaalam din nila ang posibleng dahilan kung bakit natagpuan ang bangkay nito sa La Union.

“We are encouraging the parents na mag-conduct ng autopsy kasi para malaman natin ang cause of death ng victim,” Police Lieutenant Colonel Jake Isidro, La Union Provincial Police Office PIO, said.

Sinabi ni Isidro na mayroon na silang person of interest at ang posibleng motibo sa krimen ngunit tumanggi silang magbigay ng karagdagang detalye

“Tatlong lugar ang tinitignan natin — Baguio, Pozorrubio and Pangasinan. Nagpakalat tayo ng mga tracker team sa mga lugar to conduct investigation,” dagdag pa ni Isidro. RNT