Home ENTERTAINMENT Ara, pabor na ikasal si Cristine kay Marco!

Ara, pabor na ikasal si Cristine kay Marco!

Manila, Philippines- Aprub kay Ara Mina kung yayain ng kasal ni Marco Gumabao ang girlfriend niya at younger sister ng singer-actress na si Cristine Reyes.

Pero na kina Cristine at Marco raw ang desisyon.

“Nasa sa kanila ‘yun. Saka si Marco nakita ko naman kung paano siya sa family niya. Close rin si Cristine sa family ni Marco.

“Ang masasabi ko lang, kung seryoso talaga si Marco sa kapatId ko, why not ‘di ba? Basta mahalin niya lang ang sister ko.

“Pero hindi naman sila nagmamadali lalo na si Cristine coming from, you know, failed marriage. Hindi rin ganoon kadali ‘yun,” esplika ni Ara na magkakaroon mg concert sa July 19 sa Resort World’s New Performing Theater.

Ang tanging magagawa lang daw ni Ara kay Cristine ay magbigay ng advice.

“Pero malaki na siya. Malaki na ang minature ni Cristine eh, compared before. ‘Tsaka mas close kami ngayon. Mas personalan na ang usapan namin about life. Hindi ‘yung mababaw. Eto, deep conversation, ‘yung about our future,” pahayag ni Ara. Julie Bonifacio