Home HOME BANNER STORY Inflation rate sa Pinas bumagal sa 3.7% nitong Hunyo

Inflation rate sa Pinas bumagal sa 3.7% nitong Hunyo

MANILA, Philippines – Bumagal ang antas ng bilis ng pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin o inflation rate sa bansa nitong Hunyo.

Sa isang press conference, sinabi ni National Statistician at PSA chief Claire Dennis Mapa na ang inflation — na sumusukat sa rate ng pagtaas ng mga presyo ng mga bilihin at serbisyo — ay bumagal sa 3.7% noong nakaraang buwan, isang bahagyang pagbaba mula sa 3.9% rate noong Mayo.

Ang nasabing development ay nagpahupa sa inflation rate sa apat na buwan nitong sunod-sunod na pagtaas bunga ng mas mabagal na pagtaas ng mga gastos sa utility at transportasyon.

Dinala nito ang year-to-date na inflation print na umabot sa 3.5%, na nasa loob ng pagtataya ng gobyerno na 2% hanggang 4%. RNT