Home ENTERTAINMENT SB19, YARA bet maka-collab ng Press Hit Play!

SB19, YARA bet maka-collab ng Press Hit Play!

MANILA, Philippines – SB19, YARA, Zack Tabudlo at Flow G, ito ang mga pinakatumatak na sagot ng Press Hit Play members nang tanungin sila kung sino sa mga P-pop groups and OPM artists ang gusto nilang maka-collab sa hinaharap!

Sa panayam ng REMATE ONLINE sa Press Hit Play members na sina CHRLS, JP, Sev, at Yuuki, nagbahagi ang mga ito ng kani-kanilang sagot kung sino nga ba ang mga pinapangarap nilang maka-collab o makasama sa isang proyekto.

Una na rito ay ang pagnanais ng grupo na makasama ang SB19.

“Si Pablo ng SB19 kasi same kami ng ano… yung passion sa music, sa pagsusulat and yun nga magkasama kami dati,” ani JP.

Sinegundahan din ito ni CHRLS kung saan sinabi niya na maganda ang magiging resulta ng performance kung sabay na sasayaw ang Press Hit Play at SB19 on stage!

“Siyempre gusto kong maka-collab natin yung mga kaibigan natin, SB19 no? Ang sarap lang na magkaroon tayo ng parang reunion sa isang collaboration song,” sinabi naman ni CHRLS.

Dagdag pa niya, “Maganda rin naman yung bilang. Magiging siyam, diba? Maganda siya sa blockings ‘pag sumayaw.”

Isa pa sa ipinunto ng grupo ay ang flavor ng music na mayroon ang SB19 at ng Press Hit Play ay magkakaroon ng magandang resulta.

Nabanggit din ng grupo ang P-pop group na YARA.

“Sa P-pop group, gusto kong makacollab yung YARA. Kasi before nagcollab na tayo sa isang stage performance. This time gusto kong magkaroon tayo ng collaboration sa isang official song and since apat sila, apat tayo, feeling ko magiging maganda yung chemistry ng group,” ani SEV.

Tinukoy rin nito ang same vibe and energy na mayroon ang dalawang grupo.

Ilan pa sa mga nabanggit ng mga miyembro na bet makacollab sa hinaharap ay sina Zack Tabudlo, Inigo Pascual, Gary V. and Flow G!

Sorry na kung hindi namin napick-up ng maayos ang sagot ni YUUKI.

Anyway, REMATE ONLINE is looking forward na magkatotoo ang inyong dream collab with those P-pop groups and artists!

Panoorin ang bahagi ng interview ng REMATE ONLINE with Press Hit Play sa link na ito:

Samantala, mayroong bagong awitin ang aabangan ng PEALRS sa PHP. Sa social media post ng grupo, makikitang inaawit ng Press Hit Play members ang bahagi ng kanilang bagong awitin na ilalabas.

Special mention: Happy Birthday sa Press Hit Play member na si JP!

RNT/Josh Castro