MANILA, Philippines – Kakuntsaba ngayon ng ilang operasyon ng illegal Philippine offshore gaming operators (POGOs) ang ilang opisyal ng Palasyo na itinatago ang aktibidad bilang business process outsourcing (BPO) firms ayon kay Senador Risa Hontiveros.
Sa pahayag, sinabi ni Hontiveros na nakapagpapatuloy ang illegal na operasyon ng POGO sa kabila ng mahigpit na pagbabawal ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Kahit hindi binanggit ni Hontiveros ang pangalan ng opisyal ng gobyerno, natuklasan na may ilang matataas na opisyal sa Palasyo ang may “basbas” sa illegal na operasyon.
“The information we got is that there are government officials who even advise them to – ‘Ah, just change your form,’ at least legally as simple BPOs, but hidden inside it are Pogo operations,” ayon kay Hontiveros sa Kapihan sa Senado forum.
Pero, hindi mabanggit ni Hontiveros ang pangalan ng matataas na opisyal dahil isang confidential tip lamang ang natanggap ng kanyang tanggapan hinggil sa illegal na operasyon ng POGO.
“No names were given to us. Just that phenomenon – that it’s happening,” aniya.
“I am publicizing it now to serve as warning, if that’s true. They know who they are. They must stop,” giit pa ng senador.
Sinabi pa ni Hontiveros na sakaling mapatunayan ang katotohanan sa likod ng confidential information, papanagutin ang sinumang masasagasaan ng imbestigasyon.
“And if the regulators and members of the executive who are mandated to implement the law are the very ones violating the Pogo ban announced last Sona (State of the Nation Address) and the Executive Order issued and, in principle, the law against Pogo that plan to make, their accountability is heavier,” aniya. Ernie Reyes