Home NATIONWIDE Palasyo may paalala sa pagmumura: Lumaban sa tamang paraan

Palasyo may paalala sa pagmumura: Lumaban sa tamang paraan

220
0

MANILA, Philippines – SINABI ng Malakanyang na bagama’t iginagalang nito ang karapatan ng publiko na ipahayag ang kanilang sentimenyento, dapat na gawin ito sa tamang paraan.

Ayon kay Presidential Communications Office Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro, sa iilang gumamit ng ‘foul language’ ay ginagalang ng Malakanyang ang karapatan ng mga ito na magpahayag pero may responsibilidad din ang mga ito na maging magandang ehemplo lalo na sa kabataan.

“Ipinaglalaban natin ang tama, idaan natin sa paraang tama,” ang sinabi ni Castro.

Kung matatandaan, minura ng comedian na si Vice Ganda ang mga indibiduwal na umano’y sangkot sa korapsyon sa isinagawang September 21 rally sa People Power Monument sa EDSA.

Hinamon din ni Vice Ganda si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na ipakulong ang mga magnanakaw sa bansa. Kris Jose

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here