Home HOME BANNER STORY Palasyo nagkomento sa palit-liderato sa Senado

Palasyo nagkomento sa palit-liderato sa Senado

74
0

MANILA, Philippines – “The Senate has decided it’s own leadership.”

Ito ang reaksyon ni Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro matapos na magkaroon ng pagpapalit ng liderato sa Senado, araw ng Lunes, Mayo 11 matapos patalsikin sa puwesto ng 13 senador bilang Senate President si Vicente “Tito” Sotto III, at ipinalit si Senador Alan Peter Cayetano.

Sa ulat, sa pagsisimula ng sesyon, nagmosyon si Sen. Imee Marcos na ideklarang bakante ang lahat ng posisyon sa kapulungan. Matapos ang botohan, 13 senador ang bumoto pabor sa mosyon, at 10 ang tumutol.

Makaraang ideklarang bakante ang lahat ng posisyon– kabilang ang posisyon ng Senate President– iminungkahi naman na ihalal si Cayetano bilang bagong lider ng kapulungan.

Muli, 13 senador ang bumoto sa naturang kahilingan kaya idineklarang bagong lider ng Senado si Cayetano.

Kabilang sa mga bumoto para kay Cayetano si Senador Ronald “Bato” Dela Rosa na dumalo sa sesyon na ilang buwan nang hindi nagpapakita sa Senado mula noong Nobyembre 2025.

Nangyari ang pagpapalit ng liderato sa Senado sa harap ng posibleng pagpapadala sa kanila ng Kamara de Representantes sa Articles of Impeachment laban Vice President Sara Duterte.

Kung maipadala ng Kamara ang Articles of Impeachment sa Senado, ang mga senador ang tatayong impeachment judges na lilitis kay Duterte.

Kabilang sa bumoto para kay Cayetano bilang bagong lider ng Senado ang kasapi ng tinatawag na Duterte bloc na kinabibilangan nina Sens. Bong Co, Robin Padilla, Imee Marcos, Mark Villar, Camille Villar, Rodante Marcoleta at Dela Rosa. (Kris Jose)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here