MANILA, Philippines – TININTAHAN ng Pilipinas at Paraguay ang mga kasunduan ukol sa diplomatic training cooperation at visa-free travel, habang inaasahan naman ang pagbisita ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at ng kanyang delegasyon sa Paraguay “in the near future.”
Sa pagsasalita sa isang joint press statement sa Malacañang, inilarawan ng Pangulo ang byahe ni Paraguayan President Santiago Peña Palacios sa Maynila bilang makasaysayan, sabay sabing marka ito ng unang presidential visit sa pagitan ng dalawang bansa mula nang maitatag ang diplomatic relations noong 1962.
“Since Paraguay has taken the first step, I think it is important that the Philippines soon return the favor,” ang sinabi ni Pangulong Marcos.
Nagpahayag naman ng kumpiyansa si Peña sa relasyon ng Pilipinas at Paraguay sa hinaharap, at inimbitahan si Pangulong Marcos na bumisita sa Latin American country.
“We are looking forward to respond to this in the near future with a possible visit of yourself and your delegation,” ani Peña.
Gayundin, sinabi ni Peña na ang kanyang pagbisita sa Pilipinas ay “beyond protocol” dahil bitbit nito ang “historic significance” na hindi dapat kaligtaan.
“It is the clearest expression of the political will of both governments to inaugurate a new phase in our bilateral relations, grounded in shared principles and values such as mutual respect, the rule of law, and a commitment to the economic development of our peoples,” ani Peña.
“I have the confidence that we both came to this first meeting with high expectations. But I’m leaving this great nation with even greater expectations about the future of our two nations and our people,” dagdag na pahayag nito.
Samantala, sinaksihan ng dalawang lider ang paglagda sa kasunduan hinggil sa pag-waive sa visa requirements para sa may hawak ng ordinary passports at isang memorandum of understanding hinggil sa diplomatic training cooperation sa pagitan ng foreign ministries ng dalawang bansa.
Nakasaad sa kasunduan na ang visa waiver arrangement ay naglalayong pabilisin ang negosyo, turismo, at people-to-people exchanges sa pagitan ng mga Pilipino at Paraguayans.
Layunin naman ng diplomatic training memorandum of understanding (MOU) na palakasin ang pagtutulungan sa pamamagitan ng pagsasanay, skills development, information exchange, at academic cooperation projects kasama ang mga diplomats mula sa dalawang bansa.
Ang dalawang kasunduan ay nilagdaan nina Department of Foreign Affairs (DFA) Secretary Ma. Theresa Lazaro at Paraguayan Minister of Foreign Affairs Rubén Ramírez Lezcano. (KRIS JOSE)