Home NATIONWIDE Palasyo: NCSC chairman Quijano suspendido

Palasyo: NCSC chairman Quijano suspendido

MANILA, Philippines- Kinumpirma ng Malacañang ang preventive suspension ni National Commission of Senior Citizens (NCSC) chairman Franklin Quijano dahil sa umano’y gross neglect of duty at grave misconduct.

Kinumpirma ito ni Presidential Communications Office Secretary Cheloy Garafil nitong Miyerkules ng gabi, base sa ulat.

Walang ibinigay na ibang detalye ang PCO chief. 

Nakasaad sa kautusan, nilagdaan ni Executive Secretary Lucas Bersamin noong Hulyo 9, suspendido si Quijano sa loob ng 90 araw.

Nang hingan ng komento sa isyu, sinabi ni Quijano na ”as of the moment, it is best to make no comment.” RNT/SA