Home ENTERTAINMENT RaStro, ilalaban sa JaneNella!

RaStro, ilalaban sa JaneNella!

Manila, Philippines – Aba, aba, aba naman, mukhang mauunahan pa ng tambalang RaStro nina Rhian Ramos at Glaiza de Castro sa paggawa ng GL ang JaneNella nina Jane de Leon at Janella Salvador.

Matatandaan kasing muling nabuhay ang excitement ng katibolihan pagkatapos nilang kiligin sa music video ng dating Darlentina.

Katunayan, maraming matris ang kinilig sa kanilang bagong music video together.

Ang lakas kasing makabading ng kanilang titigan sa isa’t-isa.

May paandar ding sinabi si Jane na miss na talaga niyang makaulayaw ang dating costar sa Darna.

Pero narito ang isang film outfit na nag-anunsyo na may dapat abangan sa tambalang RaStro.

Set to reunite kasi sina Glaiza at Rhian sa isang GL series after almost a decade.

Matatandaang gumawa ng ingay noon ang dalawa nang magsama sila sa seryeng “The Rich Man’s Daughter”.

Dahil nga sa convincing na performance noon ni Glaiza, natsika pang tomboyita ang magaling na aktres.

Sa development na ito, sey ng kibitzers, balak daw kumpetensyahin ng RaStro ang tambalang JaneNella.

Anyway, sa pagkukumpara sa dalawang love teams, matira na lang ang matibay.

Which love team kaya will the fountain bless? Archie Liao