MANILA, Philippines – Nilinaw ng Malacañang noong Huwebes na hindi saklaw ng Pangulo ang pagpili ng liderato ng Kongreso, kasunod ng balitang may posibleng pagpapalit kay House Speaker Bojie Dy.
“Ang pagpili po kasi ng liderato ng Kongreso ay wala naman po sa kamay ng Pangulo,” ani Undersecretary Claire Castro ng Presidential Communications Office, na binigyang-diin ang pagiging independyente ng Kongreso.
Ayon sa ulat, si Deputy Speaker Ronaldo Puno ang maaaring ituring na kapalit ni Dy.
Ngunit iginiit ni Castro na si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ay walang impluwensya sa isyu: “Wala po akong nakikita at wala pong ganoon.”
Nahalal si Dy bilang speaker noong Setyembre, pinalitan si Leyte Rep. Ferdinand Martin Romualdez sa gitna ng publiko at media scrutiny kaugnay ng mga iskandalo sa pambansang badyet at flood control projects. RNT