Home NATIONWIDE Palawan Rep. Edgardo ‘Egay’ Salvame pumanaw na

Palawan Rep. Edgardo ‘Egay’ Salvame pumanaw na

MANILA, Philippines – Pumnaw na si Palawan Representative Edgardo “Egay” Salvame.

“Manong Egay lived a life of purpose and adventures. Sa maiksing panahon na siya’y ating naging Congressman, sinikap niyang gawin ang lahat ng kanyang makakaya upang magdala ng liwanag, tulong, pagbabago, pagmamahal at kalinga sa bawat isang Palawenyong kanyang sinumpaang tulungan. Siniguro niyang masimulan ang kanyang mga ipinangakong programa para sa bayan,” saad sa pahayag ng pamilya ni Salvame.

Sinabi na ang mambabatas ay namatay Miyerkules ng umaga, Marso 13, bagamat hindi na sinabi ang dahilan.

“Hinihiling ng pamilya ang inyong mga panalangin para sa mapayapang pamamahinga ng kaluluwa ng ating minamahal na Congressman,” sinabi pa ng pamilya.

Pinuri naman ni Speaker Martin Romualdez si Salvame at sinabing siya ay “true advocate” ng Palawan at devoted public servant.

“His commitment, integrity, and ceaseless effort to advocate for his constituents have profoundly impacted all of us fortunate enough to have known and worked with him,” saad sa hiwalay na pahayag ni Romualdez.

Sa pagkamatay ni Salvame, ani Romualdez, “it creates a significant gap in Congress, but even more so, it leaves a profound sense of loss within us.”

“Egay was not just a colleague; he was a trusted companion and a source of inspiration, leaving behind a legacy of service that will be celebrated and remembered for years to come,” dagdag ng Speaker. RNT/JGC

Previous articleApartment buildings sa bayan ni Zelenskiy sapul ng missile
Next articlePCSO may paliwanag sa mananayang nanalo ng 20 beses sa isang buwan