Home NATIONWIDE Apartment buildings sa bayan ni Zelenskiy sapul ng missile

Apartment buildings sa bayan ni Zelenskiy sapul ng missile

UKRAINE – Tinamaan ng missile ng Russia ang dalawang apartment buildings sa bayan ni Pangulong Volodymyr Zelenskiy na Kryvyi Rih, nitong Martes, Marso 12.

Nagresulta ito sa pagkakasawi ng tatlong indibidwal at 38 sugatan.

Inilagay ng Dnipropetrovsk region government ang provisional injury toll sa 28 matatanda at 10 bata at sinabi na nakumpleto na ang rescue operations sa mga guho.

Ilang beses na ring tinarget ang Kryvyi Rih kung saan ipinanganak at lumaki si Zelenskiy. RNT/JGC

Previous articlePieta, ililibot ni Alfred sa buong mundo!
Next articlePalawan Rep. Edgardo ‘Egay’ Salvame pumanaw na